Gardo Versoza’s post about Nora Aunor and Cherie Gil worries fans – News

“Wag ganyan idol… Ikatok mo sa kahoy.”Gardo Versoza shares a photo with the late icons Nora Aunor and Cherie Gil

Gardo Versoza shares a photo with the late icons Nora Aunor and Cherie Gil—his caption, however, sparks concern among fans.
PHOTO/S: Gardo “Cupcake” Versoza on Facebook; Onanay (background)

Morbid para sa social-media followers ni Gardo Versoza ang kanyang Facebook post.

Kasama niya sa tampok na larawan ang premyadong aktres na si Nora Aunor at ang primera contravida na si Cherie Gil.

Kuha ito mula sa isang eksena ng Onanay, isang Kapuso drama series na umere mula Agosto 6, 2018 hanggang Marso 15, 2019. Bida rito si Jo Berry.

Kakila-kilabot ang caption ng aktor (published as is): “Mukhang ako na ang next ah [horror emoticons].”

FANS WORRIED ABOUT GARDO VERsOzA’S POST

Nagbibiro man o hindi si Gardo, ikinabahala pa rin ng fans ang kanyang post dahil pareho nang namayapa ang dalawang aktres.

Namatay si Cherie noong Agosto 5, 2022, habang nagpaalam naman si Nora nitong Abril 16, 2025.

Ang ilan sa mga mensahe ng mga fans para kay Gardo:

“Pray, stay safe, and healthy.”

“Wag ganyan idol, bata ka pa. Ikatok mo sa kahoy.”

“Uy, wag po ganyan…madami ka pa mapapasaya na mga tao. Ingat po palagi at nagkataon lang po iyan.”

GARDO VERsOzA’S GOODBYE POST FOR NORA AUNOR

Isa si Gardo sa mga nakiramay sa mga naulila ni Nora nang pumanaw ito sa edad na 71.

“Paalam mare…hanggang sa muli,” ang mensahe ng pamamaalam ni Gardo kay Nora, na nakatrabaho rin niya sa ABS-CBN series na Bituin, na umere mula Setyembre 23, 2002 hanggang Mayo 23, 2003.

May dahilan para mabahala ang mga nagmamalasakit kay Gardo.

Noong Marso 28, 2023, nakaligtas siya mula sa atake sa puso.

Sumailalim si Gardo sa angioplasty procedure dahil sa mga baradong ugat sa kanyang puso.

Sa panayam noon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa asawa ni Gardo na si Ivy Vicencio, pinasalamatan niya ang lahat ng mga nagdasal para sa kaligtasan ng aktor.

Aniya: “Sa lahat po ng nagpapadala sa amin ng mga mensahe at dasal, maraming-maraming salamat po.

“Iyan po ang pinakamagandang tulong na naibibigay ninyo sa amin.

“Yung mga dasal, walang katapat na halaga kaya sobra po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga concern sa naging sitwasyon ni Gardo.”

PAMAHIIN: Ayon sa matandang kasabihan, ang pagpapakuha ng tatluhan sa larawan ay masama dahil raw may masamang mangyayari sa nasa gitna.

Pero tila wala namang dapat ipangamba si Gardo sa pamahiin dahil, kung totoo ito, bakit may mga grupong nagpapakuha ng litrato na tatluhan gaya nina Tito, Vic, and Joey; ang Triplets, na grupo noon nina Sheryl Cruz, Tina Paner, at Manilyn Reynes; pati na rin ang Charlie’s Angels?

Hindi ba’t tatluhan din ang winners sa ilang pageants, ganundin sa Olympics at singing contests?

PAMAHIIN: Isa ring pamahiin na makaka-counter ang bad vibes ng isang napanaginipan o naisip kapag sinasabi ito sa maraming tao.

Kung binibilang ang pagpo-post sa social media, safe na.

Muli, mga pamahiin lamang ito.

Ang mahalaga, si Gardo ay maingat sa kanyang kalusugan